Pansamantalang itinigil ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang kanilang donation drive sa Cagayan.
Ito’y makaraang tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong empleyado nito na bahagi ng relief operations.
Pero paliwanag ng provincial government, gumagana pa naman ang kanilang skeletal workforce habang lalo pang pinaigting ang isinasagawa nitong contact tracing.