Umapela si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos kay House Speaker Pantaleon Alvarez na palayain na ang tinaguriang Ilocos 6 na naka- detine sa Kamara matapos na ma-comtempt.
Ikinulong ang anim (6) na empleyado ng provincial government ng Ilocos Norte matapos na bigong sumagot ang mga ito sa pagdinig ng Kamara sa 66. 45 milyong halaga ng maanomalyang pagbili ng mga sasakayan.
Ayon kay Marcos, nakikiusap siyang pakawalan na ang kanyang mga constituents dahil sa hindi maayos na kalagayan ng mga ito sa kulungan sa House Legislative Building.
Kaugnay nito ay nangako rin si Marcos na kung mapapalaya ang anim ay ginagarantiya nito ang pagdalo ng mga ito sa magiging pagdinig sa Kamara.
Matatandaang tatlong (3) beses nang ipinag-utos ng CA o Court of Appeals na palayain ng Kamara ang anim ngunit tumanggi si Alvarez kung saan nagbanta pa itong i-aabolish ang CA kung patuloy itong makikialam sa kongreso.
By Rianne Briones