Mataas pa rin ang tiyansa ng mga pag-ulan sa bahagi ng Luzon partikular na sa Ilocos Region at extreme northern Luzon dulot parin ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, mas maaliwalas na panahon ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon maliban nalang sa mga isolated rain showers sa hapon hanggang sa gabi.
Magiging maaliwalas din ang panahon sa bahagi ng Visayas pero asahan pa rin ang posibilidad ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Posible namang magkaroon ng isolated rain showers at thunderstorms sa bahagi ng Mindanao dahil parin sa Hanging Habagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:39 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:25 ng hapon.