Nakapagtala na ang Ilocos Region ng 677 na kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Enero 1 hanggang nitong Nobyembre 12.
Ayon kay Department of Health Center for Health Development 1 Medical Officer Dr. Rheuel Bobis, 424 na kaso ng HFMD ang naitala sa Pangasinan; 200 sa La Union; 43 sa Ilocos Norte; at 10 sa Ilocos Sur.
Sa kabila nito, sinabi ni Bobis na wala pang naitatalang nasawi sa rehiyon dahil sa naturang sakit.
Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na karaniwan sa mga bata at kabilang sa sintomas nito ay lagnat, at pagkakaroon ng pantal sa balat partikular sa kamay, bibig at paa.