Isinara muna ng Ilocos Sur Provincial Government ang border nito sa Mountain Province, para hindi makapasok ang UK variant ng coronavirus na una nang na-detect sa munisipalidad ng Bontoc.
Nagpalabas na ng executive si Ilocos Sur Governor Ryan Singson para sa pagsasara pansamantala ng mga borders sa mga barangay ng Aluling at Commilas sa munisipalidad ng Cervantes.
Dahil dito, hindi papapasukin sa Ilocos Sur ang mga tao at sasakyan na magmumula sa Mountain Province, sa mga checkpoint na itinayo ng mga otoridad.
Kinumpirma noong isang linggo ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng UK variant sa munisipalidad ng Bontoc.