Nagkulay pula ang isang ilog sa south korea matapos na katayin ang libu – libong mga baboy na may African Swine Fever (ASF).
Ginawa ang culling sa mahigit 47,000 na baboy malapit sa Imjin river sa Inter –Korean border.
Bumuhos ang malakas na ulan kaya inagos ang dugo ng mga pinatay na baboy sa mismong ilog.
Siniguro naman ng mga otoridad na hindi na kakalat pa ang virus ng ASF sa mga dugo sa ilog dahil disinfected na ang mga baboy bago pa ito kinatay.
Matatandaang Setyembre nang kumpirmahin ng South Korea na tinamaan na rin sila ng ASF virus.