Hindi muna tatanggap ng mga Locally Stranded Individuals (LSI’s) at mga Returning Overseas Filipinos (ROF’s) ang lungsod ng Iloilo makaraang isailalim ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito’y makaraang ipag-utos ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pagpapatigil sa pagbyahe ng mga LSI’s at ROF’s sa lungsod sa loob ng isang linggo o 7 araw.
Paliwanag ni Treñas, layon ng naturang kautusan na bigyang daan ang pagtuon sa lumolobo pang bilang ng mga nagpopositibo sa Corona Virus Disease 2019 (covid-19) sa lungsod.
Kasabay nito, nilinaw ng pamunuan ng Iloilo City government, na hindi ito magpapatupad ng border controls papasok at palabas ng lungsod para hindi anila maapektuhan ang kabuhayan sa lungsod.
Bukod pa rito, iginiit ng pamunuan ng Iloilo City, na kanilang ring inirekomenda ang pagpapatuloy ng biyahe ng mga pampublikong sasakyan basta’t siguruhin lang na maipatutupad ang distancing kontra sa banta ng COVID-19.