Hindi dapat isailalim sa strick lockdown o Enhanced Communit Quarantine (ECQ) ang Iloilo City hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Ito ay ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenias ay dahil anticipatory at pre-emtpive ang ECQ classification matapos mapaulat ang isang kaso ng COVID-19 delta variant sa bayan ng Pandan sa Antique na 200km lamang ang layo sa kanilang lungsod.
Bukod dito, sinabi ni Trenias na bumaba na rin ng 20% ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod nuong Hunyo.
Kailangan din aniyang balikan ang PhilHealth na hindi nagbabayad sa mga ospital sa Iloilo kaya’t hindi makapagdagdag ng mas maraming higaan dahil hindi makakuha ng dagdag na tao hangga’t walang bayad ahensya sa mga pribadong ospital.
Una nang inihayag ni Trenias na pumapalo sa halos P1-B ang utang ng PhilHealth sa mga ospital sa Iloilo City nuong Marso.