Isinailalim na sa state of calamity ang Iloilo City dahil sa outbreak ng Acute Gastroenteritis (AGE) at cholera.
Nagdeklara ng outbreak ang City Health Office (CHO) matapos pumalo sa 284 ang kaso ng age sa lungsod kung saan pito na ang namatay kahapon, September 1 habang walo naman ang kumpirmadong kaso ng cholera.
Ayon kay Dr. Annabelle Tang ng CHO, nagpositibo sa e-coli at coliform ang mga pinagkukunan ng suplay ng tubig ng mga residente na nagpositibo sa AGE.
Kaya naman patuloy ngayon ang pagsailalim sa testing ng deep wells gayundin ang mga refilling station sa lungsod.
Samantala, nasa P12.5 million pesos ang pondo sa Quick Response Fund (QRF) ng lungsod na gagamitin para sa mga gamot, medical supplies, at human resource.