Umapela ang pamahalaang lokal ng Iloilo City sa national government na tapusin na ang Enhanced Community Quarantine sa nasabing lungsod.
Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, maayos naman ang ginagawang contract tracing sa kanilang lugar kaya iginigiit nya ang pagpapababa ng quarantine classification.
Ipinupunto din niya na inililipat sa kanilang lungsod ang mga pasyente mula Antique, Aklan, Capiz, Iloilo at Guimaras kaya mataas ang COVID-19 at ICU bed utilization doon.
Nasa ilalim ng ECQ ang Iloilo City mula pa Hulyo 16 dahil sa taas ng kaso ng COVID-19 at utilization rate ng public at private na mga ospital.―sa panulat ni Rex Espiritu