Umaapela sa gobyerno ng dagdag na suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City.
Ito’y matapos isailalim pa rin sa ECQ ang lungsod sa kabila ng apela ng lokal na pamahalaan na tapusin na ito.
Ayon kay Mayor Jerry Treñas, sinasabi ng national government na napupuno na ang kanilang ospital ngunit sa katunayan 60% ng pasyente rito ay mula sa ibang bayan tulad ng panay at Guimaras.
Ani Treñas, tumataas din ang COVID-19 case sa katabing mga bayan nila ngunit ang mga ito ay nasa GCQ status.
Para kay Treñas, dahil sila lamang ang naka-ECQ, marapat lamang na sila ay humiling ng karagdagang suplay ng bakuna.