Aminado si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa nangangamba siya matapos mabalitaan ang pagpatay kay Ozamiz City Mayor Reynaldo “aldong” Parojinog Sr. at 14 na iba pa.
Ayon kay Mabilog, kampante siya na sa pagkakataong ito ay magiging patas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-trato sa Iloilo City na kanyang tinawag na “most shabulized” sa bansa.
Malayo anya sa pagiging isang “shabulized” city ang Iloilo dahil noon pa man ay mahigpit ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga.
Kabilang si Mabilog sa narco-list ni Pangulong Duterte habang si Parojinog ang ikatlong alkalde na napaslang matapos sina Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Mayor Samsudin Dimaukom at Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na pawang nasa listahan din.