Posibleng ngayong weekend pa makabalik ng bansa si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ipinabatid ito ni Atty. Mark Piad, tagapagsalita ni Mabilog, dahil nasa Malaysia pa ang alkalde at dumadalo sa United Urban Environment Accords Summit na tatagal hanggang Setyembre 9.
Sinabi ni Piad na mula sa Japan kung saan dumalo sa international conference ay dumiretso si Mabilog sa Malaysia.
Ayon kay Piad, kahapon niya lamang nalaman ang hinggil sa summit kung saan isa sa mga speaker si Mabilog at sesentro sa Iloilo river ang paksa nito.
Paglabas ng bansa ng pamila ni Iloilo City Mayor Mabilog iniimbestigahan na
Iniimbestigahan na ng DOJ o Department of Justice ang report na paglabas ng bansa ng pamilya ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bini-verify na ng DOJ ang napaulat na paglabas ng asawa at dalawang anak ng alkalde at may kinalaman umano sa seguridad ng mga ito ang nasabing hakbang.
Sinasabing Agosto 31 nang umalis ng bansa sina Mayor Mabilog at asawa nitong si Maria Victoria patungong Narita, Japan bagamat maghiwalay ang flight ng mga ito.