Sinibak na sa serbisyo ng Office of the Ombudsman si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog makaraang mapatunayang guilty dahil sa serious dishonesty kaugnay sa hindi maipaliwanag nitong yaman.
Ang kaso ay isinampa ni Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada laban kay Mabilog.
Sa labingtatlong (13) pahinang desisyon noong Agosto 29, pinatawan ang alkalde ng perpetual disqualification sa paghawak ng anumang public office, forfeiture of retirement benefits at cancellation ng kanyang civil service eligibility.
Kinuwestyon din ng Tanodbayan ang pagtaas ng Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ni Mabilog na aabot sa 68.3 milyong piso noong 2013 mula sa dating 593 milyong piso noong 2012, na wala umanong malinaw na paliwanag.
Kabilang din si Mabilog sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga pulitikong sangkot umano sa illegal drugs o nasa narco-list.