Walang makukuhang closed in police security si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kapag bumalik na ito sa trabaho.
Ito ayon kay Police Region 6 Director Chief Supt Cesar Hawthorne Binag ay dahil wala pang kautusan ang Malacañang na ibalik ang police escorts ng alkalde.
Gayunman tiniyak ni Hawthorne na gagawin nila ang lahat para matiyak ang seguridad ni Mabilog sa pagbalik nito sa trabaho at magde deploy din ng mga pulis sa mga lugar na pupuntahan ni Mabilog.