May mahalagang i-aanunsyo si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ngayong araw.
Ayon kay Atty. Mark Piad, tagapagsalita at legal counsel ni Mabilog, dalawang opsyon ang pinagpipilian ngayon ni Mayor Mabilog at ito ay ang maghain ng leave of absence o magbalik na sa lungsod.
Ngunit ani Piad, ipauubaya na nila sa alkalde ang pag – aanunsyo ng kaniyang gagawing desisyon.
Napag – alaman na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa bansa si Mabilog mula sa pagdalo nito sa international forum sa Japan at Malaysia dahil umano sa mga banta sa buhay nito.
Matatandaang, kasama si Mabilog sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng narco – Mayors na nasa likod umano ng mga operasyon ng iligal na droga sa bansa.
_____