Pinakakasuhan ng graft ng Ombudsman si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Kaugnay ito sa pagpasok ni Mabilog sa umano’y maanomalyang towing services agreement sa isang pribadong kumpanya na sinasabing pag-aari nito noong 2015.
Ayon sa Ombudsman, inaprubahan ng City Council ang pagpasok ni Mabilog sa memorandum of agreement sa 3L towing services kung saan pitumpung porsyento ng kita ay mapupunta sa kumpanya at tatlumpung porsyento naman ang share ng local government.
Gayunman, sinuspindi ni Mabilog ang Memorandum of Agreement (MOA) dahil sa anito’y ilang technical issues.
Makalipas ang tatlong buwan ay sumulat ang 3L proprietor na si leny garcia kay mabilog at ipinaabot ang pagbawi sa moa dahil na rin sa legal issues na nakapaloob sa usapin.
Inakusahan ni Councilor Plaridel Nava II, kapwa akusado sa kaso si Mabilog na pag-aari ng alkalde ang nasabing towing company kayat mayruon itong financial interest sa MOA.
Ibinunyag ni Nava na inutusan siya ni Mabilog na maghanap ng dummy owner at i-estimate ang gastusin ng towing company na may kaugnayan sa clamping services.
Iginiit naman ni Mabilog na si Nava ang may financial interest sa 3L na aniya’y idinipensa pa sa kaniya ang kuwalipikasyon ng nasabing towing company.