Nagpatupad ng temporary ban ang Iloilo City sa mga poultry products na nagmumula sa Luzon at Mindanao.
Ito’y dahil sa mga ulat na kaso ng Avian Influenza na nagbabanta sa local industry.
Sa executive order na inilabas ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas, hindi muna pwedeng pumasok sa lalawigan ang itlog, balot, quail egg at salted egg mula July 7 hanggang August 5.
Gayunman, ipinabatid naman ni City Veterinarian Dr. Tomas Forteza Jr. na exempted ang dressed chicken sa naturang utos dahil mayroon silang mga papeles na pinirmahan ng National Meat Inspection Service (NMIS) na may tamang shipping permit.
Aniya, exempted din ang Region 4-B sa Luzon dahil Avian Influenza-Free pa rin ito.