Nananatiling ”very high” risk sa COVID-19 ang Iloilo City.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakitaan ng 60.45 percent na average daily attack rate (ADAR) ang Iloilo City, 1.08 na reproduction number, 71% na healthcare utilization rate, at 32% positivity rate.
Nasa high risk category naman ang Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban hanggang kahapon, February 3, 2022.
Nakapagtala ang Bacolod ng pinakamataas na reproduction number na 1.11, habang ang Ormoc naman ang may pinamataas na positivity rate na 67%.
Mababatid na nakapailalim sa alert level 2 ang nasabing mga siyudad hanggang sa Pebrero a-15.