Nananatiling nasa high-risk classification ang Iloilo City sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Batay sa pinakahuling datos, nasa 64% ang Healthcare Utilization Rate (HCUR) ng nasabing lungsod.
Nasa moderate risk classification naman sa COVID-19 ang mga sumusunod na lugar, Bacolod City na may Healthcare Utilization Rate (HCUR) na 37%, Cebu City na may 36%, Lapu-Lapu City na may 38%, Mandaue na may 42%, Ormoc na may 35% at Tacloban na may 53% Healthcare Utilization Rate.—sa panulat ni Airiam Sancho