Umapela ng karagdagan pang suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang Iloilo City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nasabing sakit sa lugar.
Ayon kay Mayor Jerry Trenas, napupuno na ang mga ospital gayundin ang mga ICU beds at emergency rooms dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Ani Trenas, dapat na maunawaan na ang Iloilo City ang nagsisilbing regional center at halos lahat ng referral hospital ay dito matatagpuan.
Aniya, nag-hire na ang local, provincial at national government ng karagdagan pang nurses, nursing aides at utility workers na ipapadala sa mga pampubliko at pribadong ospital.