Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog dahil sa pambobola umano nito sa kanya.
Kaugnay ito sa ipinalabas umanong 1 milyong piso ni Mabilog laban sa makapagtuturo ng sangkot sa mga personalidad na may kaugnayan sa iligal na droga sa Iloilo.
Ayon sa Pangulo, bilib sya sa tapang ni Mabilog dahil nag-alok pa siya ng pera para ituro siya ng mga tao.
Sa kabila ng naging aksyon ni Mabilog, nanatili ang posisyon ng Pangulo na sangkot ito sa operasyon ng iligal na droga sa naturang probinsya.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Pangulong Duterte na hindi nya sinabing itatalaga niya bilang hepe ng Iloilo City si Chief Inspector Jovie Espenido.
Matatandaang inanunsyo na ng PNP na hindi na tuloy ang assignment ni Espenido sa Iloilo City at mananatili ito sa Ozamiz City.
By Rianne Briones