Humihingi ng pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Patrick Mabilog, isa sa mga matagal nang nasa ‘narco-list’ ng Pangulo.
Kasunod ito ng pagtatalaga ng pangulo kay Chief Inspector Jovie Espenido bilang susunod na hepe ng pulisya sa Iloilo City.
Matatandaan na nagkaroon ng tatak si Espenido na tumatarget ng mga alkalde at iba pang narco-politicians sa kanyang giyera kontra droga.
Ayon kay Mabilog, matagal na niyang nais maiprisinta sa Pangulo ang kanyang track record upang kontrahin ang mga alegasyong nag uugnay sa kanya illegal drugs.
By Len Aguirre