Sumunod na rin ang Iloilo Province sa hakbang ng Cebu City na gawin na lamang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa mga outdoor areas.
Naglabas na rin ng Executive Order(EO) si Iloilo Provincial Governor Arthur Defensor Jr. na gawin na lamang na optional ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Nakasaad sa EO, kinakailangan pa ring magsuot ng face mask sa indoor areas at sa mga pampublikong transportasyon.
Ang hakbang ng Iloilo Provincial Government ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na alisin na ang mandatory wearing of face mask sa katapusan ng taon.