Iginiit ng Iloilo provincial police office na walang naging pag – abuso sa kanilang isinagawang operasyon kung saan nasawi ang tinaguriang top drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido.
Ayon kay Police Senior Superintendent Marlon Tayaba, acting director Iloilo provincial police, ihahain lang sana nila ang search warrant at warrant of arrest kay Prevendido ngunit nanlaban ito.
Nakatakda naman isailalim sa otopsiya ang bangkay ni Prevendido at ng anak nitong si Jason na kasama ng ama ng maganap ang insidente.
Samantala, ibinulgar ng isang informant ang nagbigay ng impormasyon sa pinagtataguan ni Prevendido.
Malapit umano sa suspek ang naturang informant na makatatanggap naman ng 1.1 million pesos na reward.
Espenido walang kinalaman sa pagkakapatay kay Prevendido – Dela Rosa
Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na walang kinalaman si Chief Inspector Jovie Espenido sa pagkamatay ng number one drug lord sa probinsya ng Iloilo.
Ayon kay Dela Rosa, ang Iloilo provincial police office ang siyang nakatutok at nagtrabaho para maaresto si Prevendido ngunit nauwi nga sa pagkakapaslang nito.
Aniya, tanging sa Iloilo City lamang ma – assign si Espenido bilang OIC o Officer-in-Charge.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espenido sa Iloilo City matapos na magkasunod na napatay sa police operation sina Albuera Mayor Rolando Espino at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog sa ilalim ng panunungkulan ni Espenido bilang chief of police.