Sinibak sa puwesto ang Provincial Director ng Ilo-Ilo PNP na si Senior Supt. Harold Tuzon gayundin ang mga tauhan ng Maasin Municipal Police Station.
Ito’y dahil sa kabiguan ng mga ito na depensahan ang kanilang police station sa bayan ng Maasin mula sa pag-atake ng NPA o New People’s Army kamakailan.
Ginawa ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang hakbang batay na rin sa naging rekumendasyon ni Chief Supt. Cesar Binag na siyang regional director ng PNP Western Visayas.
Dahil dito, pansamantalang papalit sa puwesto ni Tuzon ang Deputy Regional Director for Operations na si S/Supt. Christopher Tambungan habang ang Iloilo Police Provincial Safety Company ang papalit naman sa mga tauhan ng Maasin police.
By: Jaymark Dagala