Plantsado na ang ilulunsad na dalawang araw tigil pasada ng NCTU o National Confederation of Transport Workers’ Union sa susunod na linggo.
Ayon kay NCTU Chairman Ernie Cruz, layon ng nasabing transport strike na iparating sa pamahalaan ang pagtutol nila sa Traffic Crisis Act of 2016 kung saan ay nakapaloob umano ang pag-phase out sa mga pampasaherong dyip na may edad 15 taon pataas.
Umaasa si Cruz na makikiisa sa kanilang gagawing dalawang araw na tigil-pasada ang iba pang transport group sa bansa.
By: Meann Tanbio