Iniikot sa lahat ng barangay ng San Juan ang imahe ni San Juan Bautista bilang selebrasyon ng kapistahan ng San Juan.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, binasbasan muna ng Kura Paroko ng St. John The Baptist Church ang imahe ni San Juan Bautista bago ang parada.
Mahigpit ang tagubilin ni Zamora sa mga mamamayan ng San Juan na iwasan muna ang naka ugaliang pagsasaboy ng tubig dahil sa panganib ng COVID-19.
Pinapayagan naman anya ang selebrasyon tulad ng inuman subalit puwede lamang ito mamayang alas tres ng hapon at sa loob lamang ng bahay.
It serves as a blessing for all San Juañeos, for all barangays although halos tatlong buwan na din hindi nakakapagsimba yung ating mga mamamayan and I believe that our people are very excited they are longing for that spiritual blessing from our Patron Saint St. John the Baptist,” ani Zamora. — panayam sa Ratsada Balita.