Dapat ng alisin ng Pilipinas ang imahe ng pagiging “little brown brother” ng Estados Unidos upang makamit ang independent foreign policy.
Ito ang nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa kanyang facebook account na may titulong “letting go as interdependent brothers.”
Ipinaliwanag ni Yasay na ang paghiwalay ng Pilipinas sa US sa usapin ng ekonomiya at militar ay hindi nangangahulugan na puputulin na ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa kalihim, “nabansot” ang pag-unlad ng Pilipinas dahil sa pananaw na kailangang laging sumandal sa Amerika.
Indikasyon din anya ito na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ang Pilipinas ng soberanyang kapantay ng lahat ng bansa nang walang kinakalaban.
By: Drew Nacino