Itinalaga ang Imam na si Superintendent Ebra Moxir Al Haj bilang bagong hepe ng Marawi City Police.
Ayon kay PNP ARMM Director Chief Superintendent Reuben Theodre Sindac, inaasahan niya ang kombinasyon ng ispritwal at istratehikong pamumuno ni Moxir sa Marawi Police lalo pa’t kailangang bumangon ng siyudad mula sa pagkawasak ng giyera.
Binigyang-diin ni Sindac na si Moxir ay isa sa pinaka-kwalipikado bilang Chief of Police ng Marawi lalo’t doon ito ipinanganak at nag-aral ng kolehiyo.
Si Moxir ang Presidente ng Imam Council of the Philippines at nanilbihan sa PNP Chaplain Service sa loob ng 22 taon.
- Meann Tanbio | Story from Jonathan Andal