Posibleng ang abogadong lider ng isang grupo ng mga kapatid na muslim ang target ng pagsabog sa Quiapo na ikinasawi ng dalawa katao.
Kasunod na rin ito nang pagsailalim kay Nasser Abinal, pangulo ng inamate Islamic center sa interogasyon.
Ayon sa kaanak ng ilang nasugatan sa insidente, matagal nang nakakatanggap ng death threat si Abinal na isang Imam o lider ng Shia muslim community sa naturang lugar.
Lumalabas sa kwento ng mga residente, ang bomba ay nakalagay sa isang package na ibibigay sana ng lalaking naka-motorsiklo kay Abinal subalit kinutuban ang mga tao sa loob ng center sa laman ng kahon kaya’t kaagad nilang pinalabas ang suspek.
Nang nasa harap na ng center ay sumabog na ang package, ilang minuto matapos itong buksan.
Kabilang sa nasawi ang lalaking nag deliver ng nasabing package.
By Judith Estrada-Larino (Photo Courtesy: Philippine Red Cross)
Imam sa Islamic center sa Quiapo posible umanong target ng pagsabog kagabi was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882