Umabot na sa ‘critical low’ ang imbak na bigas ng National Food Authority o NFA.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, pang walong (8) araw na lamang ang buffer stock ngayon ng NFA.
Sinabi ni Evasco, pinatitiyak ng Legislative-Executive Development Advisory Council sa NFA na panatilihin ang 15-days buffer stock para sa regular na araw habang 30 days buffer stock naman kapag may panahon ng kalamidad.
Batay sa pag-aaral, ang higit isang milyong populasyon sa Pilipinas ay nakaka-ubos ng mahigit tatlumput dalawang (32) metriko toneladang bigas kada araw.
Kaya habang papalapit ang lean months mula Hunyo hanggang Setyembre kung saan mahina ang ani ng mga magsasaka dahil sa typhoon season, sinabi ni Evasco na kailangang doblehin ng NFA ang buffer stock.
Ito ang dahilan kaya nagdesisyon na ang NFA council noong Lunes na ituloy ang importasyon ng bigas sa pamamagitan ng government to private importation scheme mula sa dating government to government scheme.
By Ralph Obina