Sasapat na lamang para sa tatlong araw ang kabuuang imbak na bigas ng National Food Authority o NFA para sa buong bansa.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, sa kanilang pagtaya ay nasa 2.2 milyong sako na lamang ng bigas ang nasa mga bodega ng ahensya.
Ang naturang bilang ay kailangan aniyang pagkasyahin hanggang sumapit ang panahon ng anihan.
Gayunman, nilinaw ni Estoperez na hindi naman ito kaagad-agad mauubos dahil hindi naman aniya NFA ang nagsu-supply ng bigas sa buong bansa.
Sinabi ng opisyal na sapat pa rin naman ang supply ng commercial rice sa mga pamilihan.
—-