Binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) sa media ang bodega sa Sta. Rosa Laguna kung saan naka-imbak ang gagamiting vote counting machines sa eleksyon.
Sa Sta. Rosa inilipat ng komisyon ang mga vote counting machines mula sa dating warehouse sa Cabuyao Laguna na ginamit noong 2010 at 2013 elections at gagamitin pa uli sa darating na eleksyon.
Ayon kay COMELEC Commissioner Andy Bautista, aabot sa halos P70 milyong piso ang kontrata ng COMELEC para sa paggamit ng warehouse sa Sta. Rosa Laguna at mayroon silang 1,000 manggagawa na nakatalaga rito maliban pa sa security personnel.
Mahigit na sa 70,000 vote counting machines ang naka-imbak na ngayon sa Sta. Rosa Laguna samantalang may 6,000 pang ibibiyahe mula sa Taiwan.
“Mas maaliwalas ito and I think it’s airier so it is more convenient for the employees, mas mahangin, and I think also mas mataas ang Sta. Rosa kesa Cabuyao eh so it’s cooler.” Pahayag ni Bautista.
By Len Aguirre
*Photo Credit: cnnphilippines