Nakapagtala ng pagtaas ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa imbentaryo ng manok sa bansa, noong huling tatlong buwan ng 2021.
Batay sa chicken situation report ng PSA hanggang nitong January 1, 2022, tumaas ng 1.2% ang imbentaryo ng manok sa bansa o tinatayang nasa 179M mga manok.
Tumaas din ang imbentaryo ng native na manok na aabot sa 1.1% at nasa 4.2% sa layer na chicken.
Nangunguna ang central sa pangunahing producer ng manok sa bansa na sinundan ng Northern Mindanao at CALABARZON.
Ang Western Visayas ang nangungunang producer ng native na manok.
Mula October hanggang December 2021, ang average farm gate price ng broiler chicken ay aabot sa P100.38¢ kada kilo. – sa panulat ni Abby Malanday