Tumaas ng 3.5 % ang imbentaryo sa bigas ngayong Agosto.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ang pagtaas ng 1,633 thousand metriko toneladang bigas.
Mas mataas ang tala kumpara sa 19.7 % na naitala noong Hulyo.
Ang mga commercial warehouses, wholesalers at retailers ang nangungunang kumokonsumo ng bigas na may 9.1 %; sinundan ng kabahayan na may 5.4 %.
Maliban sa bigas, bumaba naman ang imbentaryo ng mais sa bansa na nasa 704.46 thousand metriko tonelada na lang, 0.4 % na mababa kumpara noong Hulyo.