Iginiit ng Malakanyang na walang hurisdiksyon ang ICC o International Criminal Court sa Pilipinas.
Ito ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay matapos nang kumalas ang Pilipinas sa ICC.
Sinabi ni Panelo na paglabag sa karapatan ng bansa at pakikialam sa Domestic Affairs ng gobyerno ang gagawing imbestigasyon ng ICC sa anti-drug campaign ng Duterte administration.
Kasabay nito, ipinabatid ni Panelo na hindi papapasukin sa bansa ang mga imbestigador ng ICC.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)