Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang isang nagpakilalang “bikoy” na nasa likod ng viral video na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga.
Ayon sa pangalawang pangulo, mahirap paniwalaan ang kumakalat na umano’y video ng “ang totoong narcolist” kung wala naman itong tamang batayan at kung ito ma’y totoo o hindi.
Naniniwala pa rin si Robredo na dapat dumaan pa rin sa tamang proseso ang lahat ng nasasangkot sa iligal na droga mula sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno hanggang sa ordinaryong Pilipino.
Ang masusing imbestigasyon at pagsasampa naman ng kaso ang dapat na unahin ng mga awtoridad bago gumawa ng konklusyon hinggil dito.