Nagpatawag ng pagdinig si Senate Committee on Banks Chairman Francis Escudero sa Miyerkules ng susunod na linggo o sa Hunyo 21.
Ito’y para imbestigahan ang nangyaring aberya sa mga kostumer ng BDO o Banco De Oro-Unibank, ilang linggo lamang matapos makaranas din ng kahalintulad na problema ang BPI o Bank of the Philippine Islands.
Ayon kay Escudero, layon nitong maliwanagan ang publiko sa mga pangyayari lalo’t malalaking bangko aniya sa bansa ang nasasangkot sa mga problema.
Iginiit naman ni Senate President Koko Pimentel na dapat mabusisi na ang banking sector sa bansa dahil intergridad at kredibilidad na ang pinag-uusapan dito.
By Jaymark Dagala / with report from Cely Bueno (Patrol 19)
Aberya sa mga bangko paiimbestigahan na ng Senado was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882