Ipinagtanggol ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa biniling medical supplies ng DOH.
Binigyang-diin ni Sotto na hindi makapipinsala o makasisira sa bansa ang imbestigasyon ng senado para maliwanagan ang isyu at makapagrekomenda ng mga kinakailangang hakbang upang hindi na maulit ang isang anomalya.
Sinabi ni Sotto na hindi naman prosecutor ang mga Senador at Ehekutibo at Ombudsman aniya ang may tungkuling mag-prosecute sa mga lilitaw na sangkot sa anumang anomalya o iregularidad.
Una nang inihayag ng ilang administration congressmen na gusto lamang wasakin ng ilang senador ang Pangulo sa ginagawang imbestigasyon dahil mismong COA ang nagsabing walang overprice sa mga biniling medical supplies.–-mula sa ulat ni Cely Bueno