Handa ang Health Department na harapin ang isasagawang imbestigasyon hinggil sa hindi paggamit ng 67 bilyong pisong pondo na nakalaan sa COVID-19 response.
Ito ay ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi aatrasan ang nasabing imbestigasyon dahil ginamit sa tama ang pondong ibinigay sa kanila mula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.
Dahil dito, umapela si Vergeire sa publiko na hindi dapat isipin na mayroong korapsyon sa ahensiya kung wala naman umanong sapat na ebidensiya na nagpapatunay nito.
Aniya, naibigay nila ang karagdagang pondo para sa allowance at benepisyo ng healthcare workers dahil sa pagpapalawig noon ng Bayanihan 2.