Plano ni Senador JV Ejercito na muling buksan ang imbestigasyon hinggil sa maanomalya umanong chopper deal na pinasok ng Department of National Defense (DND).
Ito’y matapos ang pag-crash ng isang Huey helicopter na ikinasawi ng tatlong miyembro ng Philippine Air Force sa Tanay, Rizal, noong Mayo a-kwatro.
Ayon kay Ejercito, magkahalong lungkot at galit ang kanyang nararamdaman sa pagbagsak ng UH-1d o Huey dahil maaari naman itong naiwasan.
Ang nabanggit anyang aircraft ay bahagi ng maanomalya umanong deal na kanilang inimbestigahan noong 16th congress.
Iginiit ng senador na limampung taon o masyado ng luma ang mga Huey helicopter at maiiwasan sana ang mga aksidente kung mas bagong aircraft ang binili ng DND.
Dagdag ni Ejercito, ang nabanggit na trahedya sa Tanay na ikinasawi ng tatlong sundalo ay patunay na nakamamatay ang katiwalian.
By Drew Nacino
Imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang chopper deal ng DND planong muling buksan was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882