Kasado na sa Hunyo 4 ang imbestigasyon ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System kaugnay sa mahigit isang milyong invalidated votes noong May 13 midterm elections.
Ayon kay Senador Aquilino Pimentel III, chairman ng kumite, kabilang ang mahigit .1 milyong sobrang boto sa mga tatalakayin sa imbestigasyon.
Posible anyang ang endorsement ng ilang maimpluwensyang grupo sa mahigit 12 senatorial candidate ang dahilan ng sinasabing “overvotes” ng mahigit isang milyon noong halalan.
Gayunman, naniniwala si Pimentel na hindi ito dapat maka-apekto sa boto para sa ibang mga posisyon.