Ikinakasa na ng Senate Committee on Electoral Reforms ang imbestigasyon nito kaugnay sa tinaguriang ‘Comeleak’.
Ayon kay Senadora Leila de Lima, Chairman ng komite, dapat malaman ang pinsalang idinulot ng nangyaring hacking sa Commission on Elections (COMELEC) database na naglagay sa peligro sa mga personal na impormasyon ng mga botante.
Iginiit ng senadora na hindi katanggap-tanggap ang nangyaring data breach at dapat anyang mapanagot ang sinumang may pagkukulang dito.
Magugunitang limampu’t limang (55) milyong botante ang naging bantad sa mga anomalya kasunod ng pag-atake ng mga hacker sa website ng COMELEC noong Marso ng nakalipas na taon.
By Jaymark Dagala