Isang Pinoy ang mangunguna sa komisyong binuo para imbestigahan ang alegasyong paglabag sa karapatang pantao ng Rohingya Muslim sa Rakhine State sa Myanmar.
Si dating Foreign Affairs Secretary Rosario Manalo ang tatayong chairperson ng apat kataong komisyon kasama sina dating Ambassador to the UN Kenzo Oshima, isang abogado at isang ekonomista.
Ayon sa tanggapan ng Pangulo ng Myanmar, ang pagbuo ng komisyon ay bahagi ng kanilang pagsisikap na isulong ang reconciliation, at kapayapaan sa Rakhine.
Halos pitong daang libong (700,000) Rohingya Muslims ang tumakas sa Rakhine matapos ang military crackdown na tugon umano sa mga pag-atake ng ARSA o Arakan Rohingya Salvation Army sa mga security posts.
—-