Itutuloy pa rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang imbestigasyon laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito’y may kaugnayan sa reklamong inihain laban sa alkalde hinggil sa mga umano’y paglabag nito sa karapatan ng mga babae.
Ayon kay CHR Chairperson Chito Gascon, nananatiling bukas ang kanilang pintuan para kay Duterte ngunit hindi dapat manatiling nakabinbin ang reklamo laban sa kanya.
Una rito, tahasang binatikos ni Duterte ang CHR at ang mga grupong naghain ng reklamo laban sa kanya kung saan, sinabihan niya ang mga ito na pumunta na lamang sa impyerno.
By Jaymark Dagala