Malaya ang senado na ituloy ang imbestigasyon hinggil sa DDS o davao death squad at ang mga kaso ng extra-judicial killings na kanilang kinasasangkutan.
Reaksyon ito ng malakaniyang kasunod ng pagpayag ng senado na muling dinggin ang mga bagong pahayag ni Retired SPO3 Arthur Lascañas na nagdiriin kay Pangulong Rodrigo Duterte sa DDS.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella, bahala na ang senado na magsagawa ng imbestigasyon bilang hiwalay na sangay ng pamahalaan.
Una nang itinanggi ng palasyo ang umano’y pressure ng administrasyon sa mga kaalyadong senador makaraang magpasya ang mga ito na pakinggan si Lascañas sa kabila ng pagbaliktad nito.
By Jaymark Dagala