Kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go na may ‘go’ signal na si Pangulong Rodrigo Duterte para imbestigahan ang Philippine Ambassador sa Brazil na umano’y nangmaltrato ng Pinay na kasambahay.
Ayon kay Go, inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na imbestigahan si Ambassador Marichu Mauro.
Ito ay dahil sa sa bigat ng mga paratang laban sa Ambassador.
Sinabi ni Go na nais ng pangulo na laging isulong ang proteksyon, karapatan at maayos na kalayagan ng mga Pilipino sa ibang bansa at katungkulan aniya ng mga Ambassador na ito ay ipatupad.
Isasagawa ang imbestigasyon ay alinsunod sa sa foreign service act of 1991.
Giit ni Go, dapat maging patas ang imbestigasyon para lumabas ang katotohanan at mapanagot sakaling mapagtunayan ang pangmamaltrato
Inaasahan anyang nasa bansa na si Ambassador Mauro sa ika-2 ng Nobyembre para harapi. ang imbestigasyon.
Sinabi pa ni Go na bukas ang kanyang tanggapan para tumulong sa minaltratong kasambahay. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)