Pinakikilos na ng Malacañang ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon sa isyung kinakaharap sa ngayon ni Tourism Secretary Wanda Teo.
Matatandaang inilabas sa COA report na tinatayang 60 milyong piso ang binuhos ng ahensya sa PTV channel 4 para sa Tourism ads lamang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lamang Presidente ang dapat na mag-imbestiga bagkus ay ang Ombudsman lalo’t pag-abuso at korupsyon ng mga empleyado ng gobyerno ang pinag-uusapan dito.
Bukod sa mainit na isyu sa Tourism department, pinasisilip rin sa COA ang pagkuha ng doble-dobleng tauhan ng Presidential Legislative Liason’s Office at malaking travel and accommodation expenses ng Pangulo ng PhilHealth simula nang manungkulan ito.
—-