Sinagot ng Malacañang ang panibagong patutsada ni Vice President Jejomar Binay.
Ito’y makaraang tawagin ni Binay na drama lamang ang ginawang pag-iimbestiga ng Ombudsman kina Pangulong Benigno Aquino III at Budget Secretary Butch Abad.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, motu propio o kusa ang ginawang hakbang ng Ombudsman kaya’t hindi ito masasabing drama o moro-moro lamang.
Binigyang diin pa ng kalihim na hiwalay ang Ombudsman sa Ehekutibo kaya’t malaya itong magsagawa ng imbestigasyon sa mga nabanggit na opisyal na isinasangkot sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.
By Jaymark Dagala